The KoolPals
The KoolPals and The Pod Network
Kapag binigyan mo ng show ang mga stand up comedians, eto ang kalalabasan. Ang KoolPals ay isang podcast tungkol sa kahit ano. At kahit ano, kaya naming pagtawanan. Kaya wag seryosohin ang maririnig. Enjoyin mo lang!
WARNING: Puro katarantaduhan lang tong show na to, kung naghahanap ka ng podcast na well-researched, hindi ito ang podcast na para sayo. Kinig ka na lang sa iba.
EPISODE 157: Reno... Reno Sa Puso Ko!
Sa Newsfeed pinag-usapan ang mga patay na isda sa Manila Bay (5:48), ang nabalitang promotion ni General Sinas (21:26), statement ng DICT sa internet ng Pilipinas (38:21) at ang pagtanggal ng FDA sa paborito nating liver spread sa mga tindahan (47:00) with special Horoscope to the World with Ryan Rems (1:04:37).
Mga KoolPals, affiliate na rin kami ng Lazada! Kung gusto mong mag-online shopping sa Lazada, pindutin niyo lamang ito o kaya sundan ang aming link: https://tinyurl.com/KoolPalsxLa
EPISODE 156: I Crush You
Dahil sa nag-viral na photo ni Liza Soberano na naglalaro ng games ay nag-usapang celebrity crush tayo. Mga crush nung bata, high school, college at ngayon.
Mga KoolPals, affiliate na rin kami ng Lazada! Kung gusto mong mag-online shopping sa Lazada, pindutin niyo lamang ito o kaya sundan ang aming link: https://tinyurl.com/KoolPalsxLazada
Kung gusto mo manood ng Best of Comedy Manila: The Longest Laughdown this coming September 26, 2020, join our raffle: http://bit.ly/KoolPalsRaffles
EPISODE 155: Tagay, Tay!
Dahil binuksan na ang Tagaytay, napa-reminisce tuloy ang mga KoolPals sa mga favorite memories nila sa Tagaytay na talaga namang mapapa-tagay ka.
EPISODE 154: Music and Memories
Isang feel good episode kung saan nag reminisce ang mga KoolPals ng mga espesyal na kanta sa kanilang buhay. Samahan niyo kami magbalik tanaw sa tulong ng mga kantang aming kinagisnan at sabay sabay tayo mag look back, relax at kumanta.
Para sa mga kantang nabanggit sa episode na 'to, narito ang aming playlist: http://bit.ly/KoolPals154Playlist
—
Mga KoolPals! Use ShopBack before you shop and get cashback in over 500 online partner stores. Download the app using our link, register, and get real
EPISODE 152: White Sands ng Filipinx
Pinag-usapan ang white sands ng Manila Bay, Top 5 na dapat unahin ng gobyerno, problema ng MTRCB sa Netflix, storya ng pagmamahalan ni Bugoy at EJ at ang salitang Filpinx.
News Feed:
01:27 - Tribute Kay Lloyd Cadena at sa mga paborito nating celebrities
11:31 - White Sands ng Manila Bay
28:12 - Top 5 na Dapat Unahin ng Gobyerno
32:21 - MTRCB, pinuna ang Netflix
38:13 - Age of Consent at ang Bugoy-EJ Love Story
59:54 - Filipinks, Pinksy?
—
Mga KoolPals! Today na ang 9.9 Lazada Big Brands Sale! Ma
EPISODE 151: Laruan Ng Bata
Masayang kwentuhan tungkol sa mga laruan nuon na gusto natin ngayon. Usapang collection at mga gustong kolektahin kasama si Sanya, Angelo and Ron ng Usapan Retro podcast.
EPISODE 150: Always Be My Phoebe
Pakinggan at sabay-sabay tayong kiligin sa isang special Lover Search kasama ang mga bigating Hollywood actors na si Ryan Reynolds, Chris Hemsworth, Johnny Depp, Ellen Degeneres at Keanu Reeves! Sino sa kanila ang mapupusuan ng ating searcher na si Pheobe Walker?
EPISODE 149: Nice To Meet You Auntie Julie
Pinag-usapan ang buhay ng isang online content creator, mga klase ng comment at bashing na nakukuha mula sa trolls at kung ano ang naidudulot ng cancel culture sa industriya ng pagpapatawa. Kasama ang isa sa mga sikat na influencers at comedians sa bansa na si Macoy Dubs!
EPISODE 148: The Office Party
Pinag-usapan ang party ng Philhealth, Scandal ni Barangay Captain, Third TelCo na DITO at anong gagawin mo kung may Asteroid na tatama sa Earth with special Horoscope to the World with Ryan Rems plus special guest Chino Liao.
EPISODE 147: Leni's Speech
Pinag-usapan ang pag-amin ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang tatay ng kanyang unang anak, basher ng anak ni Bossing at Pauleen na tinuruan ng leksyon, away ni Awra at Buknoy, kanino ka kakampi? At isang mahabang discussion tungkol sa speech ni VP Leni.
EPISODE 146: Ace of Hearts
Isa na namang dating game ang ginawa natin kasama si KoolPals Ace. Manalo kaya si Ace sa sugal na ito at mahanap ang kanyang one true love?
EPISODE 145: China Not My Province
Pinag-usapan ang pagsita ni Pokwang sa vlog ni Baninay, mga natuwa para kay Bong Revilla at pagsara ni Yorme sa mga tindahan sa Maynila with special Horoscope to the world with Ryan Rems.
EPISODE 144: My Best Advice
Kung makakausap mo ang younger self mo, ano ang advice na ibibigay mo? Inisa-isa namin ang mga payo na pwede namin ibigay tungkol sa health, family, love, pag-aaral, career at sa buhay in general.
BONUS EPISODE: Nabitin Kaya Itinuloy
Dahil sa mainit na usapin tungkol sa racism at pagiging offensive (dahil na rin sa hindi nakapagsalita masyado si Nonong sa Episode 143) ay gumawa kami ng bonus episode kasama ang aming pinakamamahal na si Direk Val at pinag-usapan namin ang essay na pinadala, mga jokes na binitawan at kung offensive nga ba ang The KoolPals.
EPISODE 143: Dynasty Boys
In this episode, we talked to Fil-Am writer, director and actor Chris Soriano. We talked about his movie "Dynasty Boys" — a movie about the struggles of Filipinos and Asians in America. We discussed the kind of racism and violence Chris experienced in the U.S. and what inspired him to write and direct this movie.
Movie trailer: https://youtu.be/0cUwwGNL1EU
To show your support, go to: www.dynastyboys.com
EPISODE 142: Turukan ng Leksyon
Pinag-usapan ang COVID-19 vaccine mula Russia, mga nabiktima ng face shield scam, Top 5 signs na scammer ang kausap mo, at kung tama ba si Jason Dhakal sa pagsita kay Michael Pacquiao na gustong maging isang rapper, with special Horoscope to the World with Ryan Rems.
EPISODE 141: Araling Panlipunan
Pinag-usapan ang halaga ng bagong librong pambatang "Ako ay May Titi", sex education sa mga bata, top 5 na tawag sa ari ng Pilipino at klase ng comedy at pagsusulat ni Darryl Yap sa Vincentiments.
Ano ang The KoolPals?
Ang The KoolPals ay ang show para sa mga KoolPals na hindi kupals.
EPISODE 140: Kumusta Ka Na?
Usapang mental health tayo para kamustahin ang kalagayan ng bawat isa sa gitna ng pandemya. Mga tips and advice para sa mga work from home, stranded at nalulungkot. Kasama ang paborito nating KoolPal doctor na si Doc Gia ng Walwal Sesh.
EPISODE 139: Sistema Ng Nakawan
Pinag-usapan ang issue ng corruption sa PhilHealth, mamahaling IT equipment, pag kopya ng Isang contestant sa "Ang Huling El Bimbo musical" at isang special Scene of the KoolPals Operative.
EPISODE 138: When Netizens Attack
Pinag-usapan ang mga trending issues sa loob at labas ng bansa. Issue sa pangalan ng isang restaurant na "Barkada" ng four white guys, comment ni Tita Cynthia sa mga frontliners, pagbabalik ng MECQ sa Metro Manila at ibang probinsya, bakit di masisante si Duque at kapalaran ng buong bansa sa Horoscope To The World!
EPISODE 137: GRO Old With You
Nagbabalik ang aming segment na Call Pals kung saan nakausap namin si "Irene" na isang dating GRO at suki ni Yuki. At speaking of nagbabalik na segment, bumalik na din ang Kara-Yuki!
EPISODE 136: Lamon Weather
Dahil sa parating na La Niña, pinag-usapan ang mga masaya at masaklap na memories na dala ng ulan at masarap na pagkain sa tag-ulan plus Horoscope to the World and romantic recipe reading with Chino Liao.
EPISODE 135: SONA Online News Analysis (S.O.N.A.)
Hinimay at pinag-usapan ang SONA ng presidente base sa aming research na galing sa TOP 10 online comments ng mga netizens sa SONA 2020.
EPISODE 134: Cake Overload
Isang dating game episode na naman ang ginawa namin pero ngayon, sinamahan namin ng trashtalkan. Tingnan natin kung paano pag-aawayan ng mga searchees ang ating babaeng searcher.
EPISODE 133: Cheese-mis Spread
Mahigit isang oras kaming nag tsismisan sa episode na'to. Paano nga ba malalaman kung ikaw ay tsismosa at saan ba sila madalas makita? Dahil sa issue tungkol sa BUCOR nabuo ang Scene of the KoolPals Operatives at ilang beses sinabi ang salitang "Allegedly" para safe tayong lahat.
EPISODE 132: Dila ng Anghel
Pinag-usapan ang pag call out ni Angel sa ibang big stars, hirit ni Nas Daily kay Wil Dasovich, at galit ng ex-GF kay DJ Loonyo. Top 10+ signs na nakikitira ka sa bahay ng manugang.
EPISODE 131: Ang Pangarap Kong Dream House
Nakasama namin ang architect na si Dax Augustus Tapay para ipa-compute ang dream house namin. Kaya ba namin 'to o magbebenta na kami ng kidney?
EPISODE 130: Anak Ng Teteng!
Pinag-usapan ang mga rich kids, planong pag-ban ng porno sa Pinas, mga batang manyak online at mga dapat gawin sa mga toxic family members.
EPISODE 129: Vital Signs
Pinag-usapan ang mga away sa social media, issue ni Agot sa post ni Jinkee, 88% health ng presidente at mga aral na napulot sa relationship ni Jada at Will Smith.
EPISODE 128: The Online Love Connection
Sa tulong ng ating mga sponsors ay natuloy ang pinaka inaantay na moment ng mga KoolPals — ang unang date ni Yuki at ni Tofu! Mauwi na kaya sa pag-ibig ang hashtag na #Fuki. Pakinggan at ma-in love at maihi sa kilig sa unang online date na ginawa sa Spotify.
EPISODE 127: Bossing's Advice
Usapang business tayo, alamin ang mga dapat gawin kapag magtatayo ng business kasama ang founder ng Podcast Network Asia at host ng Hustleshare podcast na si Ron Baetiong.
EPISODE 126: Constructive Kritisismo
Sa News Feed pinag-usapan ang blogger na si Buknoy, Pangarap Kong Holdap, tumataas na kaso ng COVID, pagtakbo ni Kanye, Anti-Terror Law at mga issue ng pulis with special Horoscope To The World with Ryan Rems.
EPISODE 125: Yuking For Love
Isang special dating game ang ginawa namin para sa ating kaibigan na si Yuki. Apat ang kanyang pagpipilian... sino ang mapupusuan? Pakinggan at samahan si Yuki sa kanyang journey in search of true love.
EPISODE 124: Nonong-pedia
Pinag-usapan ang celebration ni Harry Roque, ang online education na worth 150k, at ang flag ceremony ni Cong. Remulla. Nauwi din kami sa pagtingin ng Wikipedia ni Nonong. At syempre, Horoscope To The World.
EPISODE 123: Quarantine Celebrations
Pinag-usapan sa News Feed ang mga nahuli sa bar sa Makati, prusisyon sa Cebu, mga nahuli sa protesta sa Maynila at ang celebration ng Pride Month kasama ang aming special guest na si Direk Val.
EPISODE 122: Alien!
Isang special episode dahil kasama namin ang isa sa mga idolo namin sa comedy, si Isko "Brod Pete" Salvador! Kwentuhan tungkol sa buhay writer at comedian, Top 5 comedians sa Pinas at tips paano magsulat ng comedy.
EPISODE 121: Nagkatuta Na Kayo?
Usapang dogs tayo kasama si Dog Coach Francis ng The Dog Behind the Human podcast. Sinubukan naming pag-usapan ang lahat ng mga bagay na kailangang malaman sa pag-aalaga ng aso.
EPISODE 120: Bukas Luluhod Ang Mga Bashers
Pinag-usapan ang mainit na reply ni Megastar Sharon Cuneta sa post ng isang troll at sa isang writer. Discussion tungkol sa unboxing video ni Matteo... New Look ni Angel, kademonyohan ni Xander, love team ni Vico & Bea, at headlines sa Abante Tonight.
EPISODE 119: Bukohan Nights
Hindi nakasama ang ating scheduled guest kaya nauwi sa News Feed ang usapan. Binukong style ng mga boss sa pagmamanyak ng mga influencers, Top 5 na paraan para safe ang personal info mo, dream business at bukohan ni James na nalugi.
EPISODE 118: Tayo Na Sa Radyoskwela
Pinag-usapan ang video ni Darryl Ong sa issue ng kanyang pagkatanggal sa ABS-CBN, pagtuturo gamit ang radio, at ang pagbawal sa pagpapalipad ng saranggola.
EPISODE 117: KoolPals Group Discussion
Para makasali sa discussion, tweet lang kayo na may #KoolPals #Episode117. Ang mapipili naming tweet ay mananalo ticket sa Sit Down Comedy Vol. 3 ng Comedy Manila. Sa unang webinar episode nangyari ang isang makabuluhang usapan tungkol sa issue ng pagkakulong ni Maria Ressa at Freedom of the Press, Maduming Politika, at ang controversial tweet ni Ben Tulfo kasama ang opinion ng mga KoolPals.
EPISODE 116: Daming BUWISet sa Pinas!
Independence Day special at pinag-usapan ang "Welcome To China!" text message, "Smartable" DJ Loonyo, paglagay ng buwis sa online sellers, pagpila ng mga tao sa mga promo ng tindahan, at pag-allow na mag dine-in sa mga restaurants ngayong GCQ.
EPISODE 115: Pekeng Sheet
Pinag-usapan ang mga trending issues ngayon. Kumakalat na Fake Accounts, pag-dub ng Tagalog sa cartoons, rehistro sa bisekleta at pagsara ng mga beer house sa Manila.
EPISODE 114: The Legend of Combatron
Isang special episode kasama ang isa sa mga nagpasaya sa mga batang 90's.. ang creator ng Combatron na si Berlin Manalaysay. Kwentuhan tungkol sa origin story ni Combatron, mga storya sa likod ng mga characters at mga bagong projects para sa mga fans ng Combatron.
EPISODE 113: Fine Motor Skills
Pinag-usapan ang panukalang paglagay ng side car sa mga motorsiklo at iba pang issues ng mga riders sa Pinas kasama ang comedian/rider na si Winer Aguilar. Kwentuhan sa buhay rider, mga aksidente sa motor, mga Top 5 signs ng isang Kamote Rider, at kung anong motor ang babagay sa mga KoolPals.
EPISODE 112: Batas, Batas Bakit Ka Ginawa?
Usapang batas tayo sa News Feed kasama si Attorney Trian Lauang. Pinag-usapan ang Anti-Terror Bill, silbi ng increase ng campaign funds sa election, at ang husga sa "trial" ni DJ Loonyo.
EPISODE 111: Chakra, Aura at si Papa
Pinag-usapan sa News Feed ang GCQ situation ng Manila, 800,000 showbiz workers na walang trabaho at ang End of Age kasama ang mentalist na si Nomer "MindMaster" Lasala.
EPISODE 110: Count On Me
Pinag-usapan sa News Feed ang tenant na tinanggalan ng bubong, bagong counting system ng DOH, Horoscope to The World with Ryan Rems at special MMK.
EPISODE 109: Yung Bata... Ang Saya!
Pinag-usapan ang pahayag ng presidente sa pagpasok sa school, bakit masaya si Bato at pagpatong ng buwis sa junk food. Syaka Top 5 na pinapa-deliver at mga memorable moments sa loob ng restaurant kasama si Muman at si Red Ollero ng PWR.
EPISODE 108: Little Girl With Curls
Easy listening with heavy joking ang episode na'to kasama ang singer na si Jessica Fernando. Kwentuhan tungkol sa pagiging online teacher at singer sa lounge. Top 5 na DOM hits, mga nakalimutang lyrics at original songs ni Jessica.
EPISODE 107: Asking For A Friend
Nakasama namin si Victor Anastacio at Muman para sagutin ang mga tanong ng mga KoolPals tungkol sa love, career, at kung totoo ba ang hula ni Master Hanz.
EPISODE 106: Langitngit Ng Lamesa
Pinag-usapan sa News Feed ang fake news ni Sec. Duque, pagkakahuli kay Francis Leo Marcos, ang offensive tita na si Cynthia Villar, at ang trending na call center manager na nagpasayaw ng applicant sa interview na nauwi sa isang segment ng MMK. Syempre, hindi din mawawala ang Horoscope to the World.
EPISODE 105: Frontliner Idol
Masaya at inspiring na kwentuhan kasama ang StandUp comedian na si Kim Idol. Pakinggan kung paano napasok sa comedy si Kim, origin ng kanyang mga jokes, at buhay niya ngayon bilang isang frontliner.
STAND-UP KOOLPALS 1: Nonong Ballinan
Pinagusapan ni Nonong ang tungkol sa pagiging mama's boy, matalino nyang aso, maruya at effective na laro kapag kayo ay magkakatuta.
EPISODE 104: Drum Sticks and Burrito
Tunog KoolPals kasama ang drummer ng isang Ska Punk band na si Akeem Grana. Kwentuhan tungkol sa pagiging isang drummer, sound tech, tatay, at member ng bandang The Oemons.
EPISODE 103 (Part 2): Mag-Exorcise Tayo Tuwing Umaga
Nag-share ang mga KoolPals natin ng mga personal horror experiences nila at pinaliwanag ni Nomer "MindMaster" Lasala ang mga pangyayaring ito.
EPISODE 103 (Part 1): Mag-Exorcise Tayo Tuwing Umaga
Kasama namin ulit si Nomer "MindMaster" Lasala dahil bukod sa pagiging mentalist, nag-aral din sya ng exorcism. Nagpakwento tayo ng mga karanasan nya sa ilang taon nyang panggagamot at pagpapalayas ng mga masasamang espiritu.
EPISODE 102: Ang Pangarap Kong Six Pack
Usapang exercise tayo sa panahon ng COVID kasama ang fitness instructor na si Tyn Reyna. Tinuruan tayo kung paano ang tamang breathing at iba't ibang exercises na pwedeng gawin sa bahay. Pinag-usapan din ang Top 5 na nakakairitang ginagawa ng mga tao sa gym.
EPISODE 101: Welcome to the 7th Dimension
Isang out of this world experience with Nomer "The Mindmaster" Lasala. Usapang Mentalism, Metaphysics, Aura at Chakras at ang pag-share ni Nomer ng gift of healing sa ating mga KoolPals.
EPISODE 100: Isang Daang Masaya
Classic programming with the original segments to celebrate ang 100th Episode natin. Naki-party kay General sa News Feed at pinag-usapan ang mga paboritong episode at memorable moments with special commentary sa video tribute na ginawa ng mga KoolPals. Maraming salamat sa pakikinig! Tuloy-tuloy ang tawanan hanggang lumagpas ng one thousand.
EPISODE 99: Putahe ng Ina
Napag-usapan ang mga namimiss ng mga KoolPals na luto ng nanay, lola, tita, etc. Nahirapan din kaming mag-kwentuhan kasi bawal daw tumawa, pero sumuko din kami sa huli.
EPISODE 98: Raf Music
Tunog Koolpals kasama ang friend ni James na isang pianista na si Raf Del Rosario. Kwentuhan tungkol sa tugtugan sa barko, weddings, at piano version ng mga theme songs ng mga 90's anime.
BONUS EPISODE: Walwalan Nights
Nagsama na naman ang Walwal Sesh at KoolPals para sa Isang masayang collab sa ating anniversary. Puno ng favorite segments, Burning Questions at Asking for a Friend at sa sobrang saya, nagkaroon pa ng "extra" James sa show.
EPISODE 97: Galing sa Puso, Kiskisan ng Nguso
May na-interview kaming mabait na troll, Horoscope ni Ryan Rems, Abante Tonight Headlines at, syempre, ang pinakaaabangang pagbabalik ng MMKoolPals.
EPISODE 96: The Crazy Funny Acrobatic Dog Training Singing Comedians Duo
The Crazy Funny Acrobatic Dog Training Singing Comedians Duo, in short, Crazy Duo! Ang mag-amang komikero ang nakasama naman natin sa Komikero Nights kaya sobrang laughtrip ang usapan.
EPISODE 95: The Extraction
Usapang tooth decay, bad breath, at nalaglag na pustiso ni Allan K sa Office Lockdown kasama ang dentistang si Doc Randy Maghari.
EPISODE 94: Baunan Ng Masayang Alaala
Isang byahe sa masasayang memories ng mga field trip at masarap baunin at ang first ever Food Fighters tournament kung saan naglaban lahat ng sawsawan sa mundo.
EPISODE 93: Performance To The Max
Nakasama natin si Max Guerrero, vocalist ng BRWN, at nalaglag ang panga ng mga KoolPals sa live performance niya.
EPISODE 92: KoolPooh
Masayang kwentuhan kasama ang isa sa mga hinahangaan namin na local comedians na si Pooh. Ang dami naming natutunan at nag-share din sya ng mga masasayang moments nila ni Chokoleit.
EPISODE 91: Sana All.. GCQ
News feed pinagusapan ang magiging situation ng ibat ibang lugar sa GCQ, nagwalang espanyol sa subdivision, POGO, meaning ng Lyrics ng kanta ni Ivana with special horoscope to the world at Abante Tonight headlines!
EPISODE 90: The Parodist
Nakasama namin ang isa sa mga magagaling na gumagawa ng song parodies online, Sir Rex Kantatero.
EPISODE 89: Business As Usual
Sa Office Lockdown, usapang trabaho kasama si Michael Morata na isang Tie Dye Shirt maker at si Jojo Parido na isang barbero. Dito sa episode malalaman paano gumawa ng tie dye shirts at kung tama ba na gupitan ang sarili sa bahay habang nasa lockdown.
EPISODE 88: One For The Books
The KoolPals' lost episode na kailangan niyong marinig dahil isa ito sa pinakamasayang usapan na nagsimula sa alak, pagkain, na nauwi sa beerhouse.
EPISODE 87: Kapalan Mo Yung Mukha
Tunog Koolpals with the Voice Champion Season 1, Mitoy Yonting. Masayang kwentuhan sa journey ni Kuya Mitoy bilang singer, TV comedian at sa pagsali sa mga singing competition with special song number ng isang Koolpal for Kuya Mitoy.
BONUS EPISODE: Kwentuhan With Direk Frasco Mortiz
Napasarap ang kwentuhan namin kay Direk Frasco kaya naka-isang oras pa ulit kami ng isa pang episode. Mula kay Direk Bobot hanggang sa pagkanta ni Nyekret ng I Don't Wanna Miss A Thing.
EPISODE 86: Good Take, Direk!
Naka-kwentuhan namin si Direk Frasco Mortiz para sa usapang horror movies. Paano mo ba malalaman kung mainstream ang isang horror movie?
EPISODE 85: Welcome To The New Normal
Kwentuhan tungkol sa extension ng lockdown at general quarantine period. Rally sa America at ang Balik Probinsya Program with special horoscope to the world with Ryan Rems at Top 5 Abante Tonite headlines.
Maraming salamat sa pagsuporta sa #PodcastUnited na pinangungunahan ng Podcast Network Asia at PayMaya para sa Frontline Feeders PH. Para mag-donate, pumunta lamang sa pymy.co/pnaunited
EPISODE 84: The Internet Superstar
Komikero episode with the internet action star, Ramon Bautista. Kwentuhan tungkol sa buhay teacher, editor, stand-up comedy at mga sagot sa mga questions about love life at crush sa "Asking for a Friend".
EPISODE 83: Walwal Pals
Sa kauna-unahang pagkakataon, may matututunan na kayo sa podcast namin dahil nakasama natin ang Walwal Sesh para bigyan tayo ng mga relationship advice.
EPISODE 82: Food Fetish
Usapang pagkain dapat pero hindi namin alam kung bakit kami napunta sa usapang fetish. Pakinggan niyo para malaman niyo.
EPISODE 81: Legalize Maruya
Napag-usapan ang mga benefits ng maruya at kung paano ba ito male-legalize dito sa Pilipinas.
EPISODE 80: A Shot of Empoy
Koolpals and Chill kasama si Empoy Marquez. Pakinggan ang journey ni Empoy kung paano siya nagsimula bilang comedian, mga paborito niyang eksena sa hit movie niyang Kita Kita at ang susunod na big project nila ni Alessandra de Rossi.
EPISODE 79: Mystic Booba
Sa News Feed pinag-usapan ang mga pasaway na nagsabong. KoolPals interview kay Mystica, mga example ng middle class, at ang hot topic na Twitter account ni Ethel Booba with special horoscope to the World with Ryan Rems.
EPISODE 78: Nyaaaaaaaaah!
Komikero Nights episode kasama ang recently na nag-viral na comedian na si D'Kings! Pinag-usapan ang art ng impersonation sa Pilipinas at Top 5 na madalas ginagaya ng mga impersonator!
EPISODE 77: Talentadong Bata
Office Lockdown kwentuhan kasama ang siktat na child actor noon na professor ngayon sa UP na si Atong Redillas. Kwentuhan tungkol sa buhay teacher at bilang isa sa mga sikat na child star nuong 80's.
EPISODE 76: Proben and Tasted
Sumalang kami sa telethon ng Mamatay Kang Hayop na Covid Ka na fund-raising para makabili ng mga test kits dito sa Pilipinas. Nag-reminisce din ang mga KoolPals kung gaano kasarap ang madumi lalong-lalo na ang mga streetfood.
EPISODE 75: Baguio Hits
Kwentuhan at kantahan na naman sa Tunog Koolpals with guest musician na si Jon Vie. Pinag-usapan ang buhay musikero sa Baguio at sa China plus special song requests ng mga Koolpals para added saya sa inyong pakikinig. For donations to Johnvie, GCash: 0917-423-2838 |
BPI: 969-606-6128 |
Paypal: vie.delarosa@gmail.com
EPISODE 74: Dance, Dance, Revelation
Office Lockdown edition pinag-usapan ang mga nag-trending na Mayor Binay at Lani Mercado. Top 5 Headlines ng Abante. Special Office Chismisan with Nyikret at isang rebelasyon mula kay "Angelou" tungkol sa masamang ugali ng isang sikat na dancer ngayon sa TikTok.
EPISODE 73: Warning: Tutulo Ang Laway Mo
Isang masarap na kwentuhan kasama ang KoolPaps food blogger na si Paps Chui. Pinag-usapan ang mga pagkain at mga lakbay ni Chui at kanyang Top 5 Samgyupsal. Usapang Pulutan naman with Muman Reyes.
EPISODE 72: Musikatatawanan
Tunog Koolpals kasama ang singer ng Fat Session na si Orca. Isang masayang Kwentuhan, Tawanan at Kantahan with special Top 5 songs para sa mga Front Liners.
EPISODE 71: Palibhasa KoolPals
Usapang Pinoy sitcom tayo sa episode ng KoolPals and Chill kasama ang batikang comedy writer na si Sir Rhandy Reyes.
EPISODE 70: The Budget is Coming
Para sa News Feed, pinag-usapan ang budget ni President, speech ni Isko, at ipinilit naming maghanap ng positive news para sumaya at nakita namin ito sa Abante. Kasama namin si Ryan Rems para alamin ang kapalaran ng sanlibutan sa Horoscope to the World.
EPISODE 69: Funny One
Para sa isa na namang edition ng Komikero Nights, guest natin ang Funny One Season 2 Grand Winner na si Donna Cariaga at napag-usapan ang naging journey nya sa contest. Napag-usapan din ang speech Duterte at ang pag-subpoena ng NBI sa mga nagkakalat ng fake news.
EPISODE 68: Padalhan Mo Ng Subpoena
Pinag-usapan ang pinadala na subpoena kay Vico. Kinuwento rin ni Secret ang trending issue ni Sam Morales at ang mainit na Office Chismisan na involved ang anak ni Congressman.
EPISODE 67: Happy Birthday Lockdown
Pinag-usapan ang late night press con ng presidente at ang pinamigay na saba at itlog ng mga Villar. Nag-isip ng mga pwedeng sosyal na pangalan ng mga pagkaing Pinoy at paano mag-celebrate ng birthday ngayong may lockdown kasama ang KoolPal comedian na si Muman Reyes.
EPISODE 66: Break It Down
Tunog KoolPals kasama ang isang rapper at battle emcee na si Basilyo. Isang masayang usapan tungkol sa larangan ng rap battle at FlipTop sa Pilipinas, ang Top 5 Battle Emcee ni Basilyo at isang malupit na rap song laban sa COVID.
EPISODE 65: The American Dream
Kinamusta natin ang buhay ng mga KoolPals sa America na si Michael and Jethro dahil naitala sa kanilang bansa ang may pinaka maraming kaso ng infected sa buong mundo.
EPISODE 64: Isa Kang Gunggong!
Pinag-usapan ang Top 5 anime na pwedeng panuorin ngayon lockdown at maswerte naming nakasama sa kwentuhan ang isa sa mga veteran voice talent na si sir Monty Repuyan, ang boses sa mga sikat na anime na Ghostfighter, Slamdunk, Lupin atbp.
EPISODE 63: Pinitik ng Yantok
Pinag-usapan ang pagbawi sa resulta ni Congressman, online rambulan, haunted hospital at mga Pilipinong pasaway from VIP to tambay. Nag-isip din kami ng Top 5 na pwedeng parusa sa mga lalabag sa quarantine.
EPISODE 62: Mahirap Magpatawa
Isang masayang kuwentuhan tungkol sa buhay ng isang comedian kasama ang isa sa mga sikat na komikero sa bansa na si Eric Nicolas.
EPISODE 61: Ang Kokote ni Koko
Pinag-usapan ang pagpasok ni Koko Pimentel sa delivery room ng Makati Med. Usapang Office Lockdown kasama si Ali Sangalang ng Linya-Linya at ang bagong segment na Office Chismis with "Secret".
EPISODE 60: Ulam For Thought
Pinag-usapan ang diskarte sa ration at luto para hindi maubusan at hindi magsawa sa pare-parehong ulam. Kuwentuhan tungkol sa mga na-miss na pagkain at restaurant na wala na ngayon pati na rin sa loot bag ni Mayor Joy, kasama ang comedian na si Muman Reyes.
EPISODE 59: Mic Check
Usapang music at buhay musikero naman tayo sa panahon ng lockdown kasama ang paboritong KoolPals singer-songwriter natin na si Mic Llave.
EPISODE 58: Sebo, Gobyerno at Disiplina
Kamustahan with the Koolpals mula sa UAE, Korea at Japan. Pinag-usapan ang situation ng virus sa kani-kanilang lugar at ang mga sebong mahirap tanggalin sa mga hugasin habang nasa lockdown.
EPISODE 57: You Had Me At My Worst!
Pinag-usapan ang mga paboritong pelikulang pinoy at series na pwede panuorin habang nasa lockdown, ang Koolpals Top 5 John Lloyd movies at ang ating kapalaran sa Horoscope to the World with Ryan Rems.
EPISODE 56: Joy to the World of Quezon City
Pinag-usapan ang press con ng presidente, ang mga nasa hot seat na sina Mayor Vico at Joy. Alamin din ang kapalaran ng mga Koolpals ngayong lockdown sa Horoscope to the World ni Ryan Rems at Payag Ka, kasama ang mga KoolPals from around the world.
EPISODE 55: Celebrity Blessings
Napag-usapan ang mga celebrities na binash dahil sa kanilang mga post online sa panahon ng coronavirus. Mga kumakalat na balita tungkol sa mga looting, tricycle ni Vico, at birit ni Mocha, kasama ang mga KoolPals Komikero na sina Red Ollero at Chino Liao.
EPISODE 54: Grab Some Good Vibes
Pinag-usapan namin ang mga toxic posts online habang nasa lockdown at ang status ng food business at food delivery sa panahon ng virus, kasama ang KoolPals business owner na si Winslow at GrabFood driver na si Seet.
EPISODE 53: KoolPals Chicken Cubes
Pinag-usapan ang mga pwedeng lutuin ngayong lockdown at mga comfort food na magpapasaya sa'tin during the quarantine. Kinausap din ang mga KoolPals tungkol sa recipe at meron din tayong KoolPal na taga-Manila na pwedeng mag-deliver ng items mula sa palengke.
EPISODE 52: Pangako Sa’yo Enhanced Quarantine
Pinag-usapan ang latest press con ni President Duterte tungkol sa Enhanced Community Quarantine at nag-sound trip gamit ang mga kanta ng mga KoolPals.
EPISODE 51: Kumustahan with KoolPals
Nakipag-usap kami sa mga KoolPals namin na taga-Australia at Italy para malaman kung anong lagay nila doon at kung pareho lang ba tayo ng nararanasan sa kanila.
EPISODE 50: Quarantine Starts Now
Kauna-unahang episode kung saan naka-video call lang ang ating mga KoolPals dahil sa quarantine. Pinag-usapan natin ang guidelines ng community quarantine at kung ano ang mga pwedeng gawin habang nasa loob ng bahay nang isang buwan.
EPISODE 49: Rower No More Power
Maraming issue ang pinag-usapan: Front Row member na pumunta kay Tulfo, van ni Kim Chiu, press con ni President Duterte, at ang horoscope sa panahon ng virus.
EPISODE 48: Don't Panic!
Pinag-usapan ang mga fake news at mga dapat malaman tungkol sa coronavirus kasama ang KoolPal na si Muman Reyes at Doc Nace Cruz.
EPISODE 47: Stand-Up KoolPal
Pinag-usapan ang journey ni Chanchan Consing, isang KoolPal na nagsimulang mag-open mic. Pakinggan ang saya at hirap ng pagpapatawa sa stage kasama si Dawit Tabonares, Chino Liao, Israel Buenaobra at si Kuya Jobert.
EPISODE 46: Buwan ng mga Guwardiya
Unang show ng KoolPals sa BGC at pinag-usapan ang mga sikat na guwardiya ngayong taon. Ang 200k na binayad sa bodyguard ni Sarah at ang press con ng security guard sa Greenhills. Topic din ang mga boss na nakakairita sa opisina at meron ding paboritong laro ng KoolPals, ang "Payag Ka"
EPISODE 45: Music and Comedy with Paolo Santos
Masayang kuwentuhan tungkol sa journey ng isang singer, writer, at comedian na si Paolo Santos. Matutuloy kaya ang comedy show ni Paolo at The KoolPals? Abangan...
EPISODE 44: Mommy Divine Intervention
Pinag-usapan ang estado ng ABS-CBN sa senate hearing at ang pinaka-importante sa lahat ng issue: ang kasalang Matteo at Sarah. Meron ding usapang MTRCB kasama ang KoolPal Singer and Comedian na si Paolo Santos.
EPISODE 43: Mula Sa Pusok
Pakinggan ang istorya ng ating Call-Pal at nang dahil sa kanyang mapusok na kwento, itinago natin ang kanyang totoong boses at kinilala sa pangalang "Attorney".
EPISODE 42: Press Play Boys
Puno ng Koolpals ang recording natin at pinag-usapan namin ang video ng mga batang sumunog ng lobo at video ng lalake na nanghipo, with special guest Jed Ong ng Philippine Lapine Club, Inc. (PILC) para pag-usapan ang mga rabbit at benefits ng pagkain ng rabbit meat.
EPISODE 41: Valentine's Special: The Jamaican Love Triangle
Niloko, naghiwalay, pinatawad, at nagkabalikan dahil sa pag-ibig. Pakinggan ang kakaibang love story ng ating Koolpals caller na si Rica mula Davao.
EPISODE 40: Kaso ng Kapamilya
Mahabang usapan sa issue ng renewal ng ABS-CBN at mga kaso na inihain laban sa network. Discussion sa mga apektado sa posibleng pagsasara nito at mga paboritong palabas sa ABS-CBN simula ng pagkabata.
EPISODE 39: Separate Lies
Pinag-usapan ang Blogger na humilata sa tapat ng mall para manakot, at kung ready na ba tayo na gawing legal ang divorce sa Pilipinas at kung paano ihanda ang sarili sa pagpapakasal.
EPISODE 38: The First Timers
First time ng KoolPals mag-show sa Singapore (Thank you sa lahat ng pumunta at nakitawa!)
Pinag-usapan paano nagsimula ang Wuhan Virus at paano ito maiiwasan. Nakipagkwentuhan sa mga Koolpals sa SG tungkol sa buhay sa Singapore at naglaro ng "Payag Ka?" para masaya ang first show natin sa SG.
EPISODE 37: Mabuhay Tayong Lahat!
Pinag-usapan ang humor ng Pilipino sa gitna ng isang trahedya at purpose ng conjugal room sa evacuation center. Tamang hinala sa mga nasa likod sa pagtanggal ng Angkas, with special guests na sila PWR Superstars Rederick Mahaba at Imabayashi, at kwentuhan tungkol sa Pinoy wrestling at nalalapit na PWR special event, "Mabuhay Ang Wrestling!"
EPISODE 36: Huwag Mong Iputok
Napag-usapan ang putukan nung New Year, mga paputok nung bata tayo at sana'y matapos na ang apoy sa Australia at away sa pagitan ng America at Iran, with special 2020 Horoscope to the World with Ryan Rems.
EPISODE 35: Happy 2020!
Nag-celebrate ng New Year ang mga KoolPals sa Baguio kasama si Yuki at ang mga comedians ng Comedy Baguio na sina Israel at Arton. Napag-usapan ang Voltes V, Pope slap, at kung ano-ano pa.
EPISODE 34: KoolPals Christmas Special
Nagsama-sama ang mga Koolpals para mag-party sa Mow's Bar! Kasama ang Lion and the Scouts at mga comedians ng Comedy Manila, at pati narin ang Tito's Tonight. Pinag-usapan ang "English only" policy sa provincial schools at kung kailangan ba ituro si Santa Claus sa mga bata. Meron pang live "Payag Ka" ng mga Koolpals para masaya ang Christmas episode natin!
EPISODE 33: Masayang Galunggong
Napag-usapan ang galunggong ni Cynthia Villar, pagbabawal ng Angkas, na-kidnap na Chinese at concert ng U2. Na-stress kami nang sobra kaya nagpaturo kami kung paano ba sumaya. May guest din kaming attorney kaya gusto na rin namin magdemanda.
EPISODE 32: 13th Month Rage
Pinag-usapan ang nakuhang 13th Month Pay, mga atletang Pinoy sa SEA Games, at si Doctor Road Rage kasama ang paborito nating Koolpals na Hapon na si Yuki Horikoshi.
EPISODE 31: Kikiam & Cherry
Hot topic ang organizers ng SEA Games at ang amoy ng utot ni Heart.
Hinimay namin kung paano bumuo ng kanta sa tulong ng ating mga KoolPals na producer at rapper na sina Marx Diego at Ryan Ilaya ng Kartel, sa tulong na rin ng mga musikerong sina Bobbie at Emman ng Lion and The Scouts.
EPISODE 30: Peter Pan Syndrome
Pinag-usapan ang mamahaling Kaldero ng SEA Games, Pinapadilaang Vandalism at Kinaladkad na Enforcer with special Koolpals toy collector Micoy Castillo!
RADYONET VOL. 4: Pass the Drug War to the Left-Hand Side
Pinag-usapan namin ang BP ni VP Leni na baka tumaas simula nung hawakan niya ang Drug War sa Pilipinas. Bagong istorya sa MMK: Pamilya o Trabaho? O Rectum? Guest voice actor namin ay si Ryan Rems bilang si Jam.
EPISODE 29: Utang Ninyong Lahat!
Sa episode na 'to, pinag-usapan namin ang mga utang na 'di na nabayaran. Kaya naghanap kami ng paraan para mabayaran ang mga utang at hinanap din namin si Rodney dahil sikat na siya.
Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 28: Solid KoolPals
Live na sinagot ni Pastor Quiboloy ang mga katanungan ng ating mga KoolPals at nagkwentuhan tungkol sa comedy kasama ang KoolPal natin sa SOLID OK na si Ryan Puno.
Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 27: Podcast ng Lagim
Usapang Paranormal kasama ang KoolPal expert na si Dion Fernandez. Pinag-usapan ang mga kababalaghang bumabalot sa mundo ng mga espirito. Maghanda kayo dahil maririnig niyo ang boses ng bata na nasa studio.
Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 26: Family Feud
Pinag-usapan namin ang away ng Baretto Sisters... away ni Tatay Alex at ni Dimples... humingi kami ng opinion ni Optimus Prime at kumanta si GB tungkol sa hindi naubos na mamon sa lamay.
Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 25: SuperKool
Ang ating unang LIVE podcast recording ay sa SuperManila kung saan present ang mga magagaling na Pinoy comic book artists!
Kasama ang ating guest Koolpal na si Chino Liao, isang comic book geek, pinag-usapan namin ang mga superheroes, Pinoy comic book artists, at paano umiihi si Superman kung nasa labas ang kanyang brief!
Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 24: Kool-laboration Kasama si Kuya Jobert
Ang first guest ng season 2 ang hari ng YouTube sa Pinas ... si Kuya Jobert Austria!!! Kwentuhan, tawanan at kantahan tungkol sa buhay at mga kantang nilikha ni Kuya Jobert! Sign up using our exclusive link and you get P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals
EPISODE 23 (SEASON FINALE): Talk To My Lawyer
Live interaction with scammer na attorney at discussion tungkol sa commuter na attorney kasama ang mga hosts ng bagong Internet show na Tito's Tonight na si Jeps Gallon at Joma Labayen.
RADYONET VOL. 3: Panelo Patalo
Napagusapan kung paano hinambalos ni Idol Raffy ang Yllana Brothers at kung meron ba talaga tayong transport crisis.
RADYONET VOL. 2: A Star is Gone
Malungkot isipin na wala na ang isa sa mga masayang puntahan sa Manila...ang Stardust.
RADYONET VOL. 1: 91 Pokpoks
Napagusapan ang nahuling 91 na Chinese Pokpoks at ano ba ang kalakaran ng mga GRO. Meron din tayong Blind Unboxing para hulaan ang prize na ipapamigay namin galing sa Filbar's.
EPISODE 22: Modernong Pilipino
Pinagusapan ang modernization ng jeep, mga modernong Pinoy wrestlers at artists. Humingi ng Opinyong ni Optumus prime pero natinik ng bangus. At isang katerbang masasayang kwentuhan kasama si Rederick Mahaba ng PWR aka Red Ollero.
EPISODE 21: It's Everybody's MILF!
Ignorance of the Law excuses no one kaya nagtanong kami sa isang taong walang alam sa batas, back-to-back ng maharot at sexy na kwento ni Raprap at ni Tita Tita sa Maalaala Mo KoolPals.
EPISODE 20: Wine and Pwet
Eto lang ang matutunan nyo dito, masama sa kalusugan ang mga nasi-swimming na baboy sa ilog at ang pagpasok ng bote ng wine sa pwet. Syempre, may horoscope pa rin tayo kasama si Ryan Rems.
EPISODE 19: Extra Rice The Musical
Pinagusapan ang Rice Tariff at mga KoolPal na solusyon sa problema ng magsasaka. Horoscope to the World with Ryan Rems at special musical guest ang Lion and The Scouts!
EPISODE 18: Baby Gurl
May nagpadala na naman ng sulat sa Maalaala Mo, KoolPals para i-kwento ang crush nyang hindi sya crush. Sana ay may natutunan sa amin si Baby Gurl o kaya naman sana ay may napulot siya sa mga Horoscope to the World ni Ryan Rems.
EPISODE 17: Drama Sa Radyo. Radyo Sa Drama. Drama Sa Internet. RADRANET!
Sinubukan naming mag-radyo-drama sa internet pero wala kaming kwenta.
EPISODE 16: Radyo Sa Internet. Internet Sa Radyo. RadyoNet!
Pinagusapan kung racist si Spiderman at saan ba dapat umihi at tumae at pwede ba ibaon sa buhangin ng beach ang tae ng tao.
EPISODE 15: Stepping Stone
Guest namin ang sikat na sikat na hosts ng The Linya-Linya Show na sina Ali Sangalang at Victor Anastacio. Nagpaturo kami kung pano ang tamang paghohost ng podcast. Tingnan natin kung may matututunan ba kami sa kanila.
EPISODE 14: Ghosting Month
We talked about the Ghost Month, Ghosting and the movie Ghost with special guest... Comedy Manila's youngest comedian at 61 yrs. old... Doc Ramon Cabochan.
EPISODE 13: The Price is Write!
We talk about the process of writing with special guest songwriter Mic Llave and scriptwriter Jeps Gallon plus horoscope with Ryan Rems.
EPISODE 12: The "Gerald" Triangle
Ang madaming nabiktima ng pag-ibig at Horoscope ng mga mapupusok. Tao lang tayo na nagkakamali kaya okay lang mahuli ng partner at normal lang na ikaw ay iwanan kung ikaw ay taksil.
EPISODE 11: Bastoss You To Jail
Pinag usapan namin ang Anti Bastos Law para hindi ka makulong dahil sa kalibugan mo.
EPISODE 10: Mayor Dreams Come True
Mayor nililinis ang Maynila, mga kupal na nag-cancel ng Grab food, mga sumuka sa party ni Imelda at mga hudas na taxi drivers. Lahat pinagusapan namin dahil kami ay nakainom.
EPISODE 9: Happy Birthday, GB!
Birthday episode ni GB Labrador kaya naman ginawa namin ang show sa Mow's Bar para makasama ang iba pang comedians ng Comedy Manila. Riot ang episode na to! Happy birthday, GB!
EPISODE 8: Nakaka-Wet Episode
Rainy season is here...and it's back with a vengeance dahil wala pa ring tubig sa gripo kahit baha na sa labas.
EPISODE 7: Nagbabagang Opinyon at Horoscope
Nagbanggaan ang opinyo ng mga comedians tungkol sa banggaan ng bangka ng China at Pilipinas pati na rin sa vlogger na nag-video sa patay nyang ama. Special horoscope ni Ryan Rems at anak nga ba ni Erwin Tulfo si Optimus Prime?
EPISODE 6: Lasing Ka Na Naman!
Our hosts talk about the different kinds of hecklers during a comedy show and the top spot goes to the drunk audiences!
EPISODE 5: Merong Na-offend
Our hosts find themselves in a difficult situation as they discuss what jokes people find offensive...without offending anyone.
EPISODE 4: Back To School
From first day of classes to cutting classes, it's time reminisce with GB, James and Nonong as they take us back to old school!
EPISODE 3: Pinoy Stand Up Revolution
Episode 3 is all about Pinoy Stand Up as our hosts James, GB and Nonong talk about their experiences doing stand up comedy for the first time and discuss joke-writing and the status of stand up comedy in the Philippines.
EPISODE 2: Japanese Corn with Subtitles
Our guest is a Tagalog speaking Japanese comedian, Yuki Horikoshi. We talked about Yuki's life as a foreign comedian living in the Philippines and a great discussion on how the Philippines is so much better than Japan because Japan does not have unlimited gravy in KFC.
EPISODE 1: Pilot Episode
The very first episode of Comedy Manila Show with GB Labrador, James Caraan and Nonong Ballinan. The show talks about the upcoming Philippine elections, useless campaign materials and common strip club songs.